Maine sisimulan na ang nutrition program para sa mga bata; may hiling sa dabarkads

alden richards at maine mendoza
OVERLOAD ang pagbati mula sa AlDub Nation kahapon para sa 22nd birthday ni Maine Mendoza.
Pinayagan si Meng na um-absent muna sa taping ng Destined To Be Yours para umapir sa Eat Bulaga kahapon kasama si Alden Richards, kaya sabay silang lumantad sa Sugod Bahay segment ng programa.
Pero bilang Barangay Secretary si Meng at Bae Tanod naman si Alden.
Pinapelan ng Bae Tanod ang marupok na sekretarya with matching cake pa. Nakalibre pa ito ng halik, huh!
Ibinalita rin sa segment ang balak ni Maine bilang regalo niya sa mga batang kapos sa pagkain kapag umaga. Inihayag niya ang inihahandang Maine’s Nutrition Program sa mga susunod na araw.
Hinikayat niya ang publiko na ‘yung regalo para sa kanya ay dalhin na lang sa Broadway Centrum na iipunin bilang bahagi ng kanyang charity program.
Maraming na-touch sa planong ito ni Maine, patunay lang daw na marunong mag-share ng kanyang blessings ang dalaga sa mga kababayan nating kapuspalad.
Ngayong araw naman, isang pabulosang handaan ang mapapapanood sa EB kung saan bidang-bida ang birthday celebrator.

Read more...