Sino ang pipiliin?

Sulat mula kay Criselda ng Taba, Carmen, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Dalawa po ang boyfriend ko ngayon at pareho ko silang mahal. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung alin sa dalawang lalaking ito ako magiging maligaya sakaling pakasalan ko. Sino ang mas ka-compatible ko sa kanilang dalawa? Isinilang po ako noong July 10, 1992 habang ang unang boyfriend ko na tawagin na lang nating Mr. Taurus ay isinilang noong September 4, 1991 habang ang ikalawa na tawagin na lang nating si Mr. Capricorn ay isinilang noong December 25, 1990. Kapag po ba nag-asawa na ako, sino ang dapat kong piliin sa kanila upang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pamilya?
Umaasa,
Criselda ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at matinong Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, at ang nakatutuwa, kahit na dalawa ang boyfriend mo sa ngayon, kapag ikaw ay nag-asawa na, mananatili kang tapat sa lalaking iyong mapapangasawa at hindi na muling pagsasabayin pa ang dalawang lalaki sa iisang panahon sa iyong buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, King of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo sa ngayon ang mas mayaman o may-kaya sa buhay at mas matanda sa iyo ng dalawang taon, tiyak ang magaganap— siya na ang makakatuluyan mo na nakatakdang maganap sa taong 2019 sa edad mong 27 pataas.
Itutuloy…

Read more...