Walang silbi sa Min

HINDI kinalulugdan ng Diyos ang anumang gawain na kumikinang sa pagpapaimbabaw o kayabangan; kasinungalingan. Maaaring di ito pansin dahil mas tinitingala ng tao ang kanilang lider sa lupa. Pero, walang maitatago sa Diyos, lalo na ang pagbabalatkayo. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jl 2:12-18; Slm 51; 2 Cor 5:20, 6:2; Mt 6:1-6, 16-18) sa Miyerkules ng Abo.

Dalawang lider ang turan ng ilang militanteng pari sa Diocese of Malolos: ang kasalukuyan at ang nakalipas. Si GMA ay nabibilang sa “kahapon,” pinasan niya ang kanyang krus nang tahimik at walang pagbabata. Walang Simon na tumulong sa kanya, kahit saglit. Humihirit ang mayabang ng nakalipas, pero wala na siyang tao… at arsobispo.

Malaking retrato sa page 1 ng isang broadsheet ang mahigit sanlibong residente ng Bagong Silang, North Caloocan. Sinuportahan nila si Digong sa rally sa Luneta. Halos 300 na ang namatay sa tokhang sa Bagong Silang, Camarin at Tala (North Caloocan), pero hindi masama ang loob ng mahihirap kay Digong. Una ko nang naisulat na isang ina ang nagpasalamat pa nang mapatay ang anak na tulak sa Phase 8A, Bagong Silang.

Nang inihinto ang tokhang, nagbalik ang shabu sa Bagong Silang (naisulat ko na rin ito). Batuhan sa gabi’t madaling araw, gang war, indiscriminate firing gamit ang paltik, atbp. Kaya naglagay ng police visibility sa ilang main roads. Pero, sa umaga lang ito. Bakit nga naman poposte ang mga pulis sa gabi gayung marami ang loose firearms dito?

Baka sumbatan na ni D5 si Noy. Ganito ang sumbat: wala ka bang magagawa sa akin o di mo ba kaya akong palayain? Napakalaki ang puhunan ko sa iyo. Kulong sina GMA, JPE, Bong, Jinggoy, Janet. Impeach si Corona at lupaypay na sumuko si Mercy. Di ko sinunod ang SC. Teka. Hindi pa puwedeng “baka” ang sagot ni Noy. Hindi pa nga siya makakilos.

Sa Pagninilay sa Lukas 6:27-29, maging ang makasalanan ay mahal ang kapwa makasalanan. Ibigay ang may humihingi sa iyo, pero di kayang ibigay. Gawin sa kapwa ang gustong gawin din sa iyo. Kung mahal mo ang nagmamahal sa iyo, ano ang kapakinabangan dito? Malalim ang Paghahawi sa Pagninilay na ito at tanging ang mga turan ang nakatatalos.

Nagtayo ng PR-consultancy ang mga dating bida sa Malacanang. Kung tutulungan nila si Leni, may bayad na yan, at malaki pa. Bantayan ito. Dahil baka pera ng taumbayan ang ibabayad sa grupong ito. Kapag nagkagayon, na-recycle na ang pera ng taumbayan. Malalim ang operasyon ng grupong ito.

Ayon kina Delfin Lorenzana (pampalasa ang Lorenzana Patis noon, na 25c lang ang mataas na bote) at Hermogenes Esperon Jr., walang banta kay Digong. Sa night desk noong Marso 1976 (martial law), na pinamumunuan ni Max Ramos (ako ang assistant), mahigpit na ipinagbabawal ang istorya at komentaryong salsal. Ang lumabag na reporter at kolumnista ay sibak, pronto; kasama ang deskman at copy editor. Kaya, walang Martin noon.

Inamin ni Digong na di niya nailigtas ang pinugutang Aleman. Sa madaling salita, di niya kayang sugpuin ang mga tulisan at terorista sa kanyang ipinagmamalaki at ipinagtatanggol na Mindanao. Sayang at napatalsik si Erap. Baka siya ang nakalutas sa panunulisan at terorismo sa Mindanao.

Sa bagong pamayanan sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan, sa umpisa ng Kuwaresma (Lent), sa mapagnilay na simoy ng dapithapon sa isa sa mga bundok ng Sierra Madre, sa panakang banayad na patak ng ulan na nakapananariwa ng binubuhay na halaman, di matumbasang kapayapaan ng kalooban. Katahimikan, na ngayon ko lang nadama.

PANALANGIN: Sa lipunan at pamahalaan ng kayabangan at kasinungalingan, maging tagapagpahayag nawa tayo ng Iyong Salita para makaalis sa kaguluhan at karimlan (halaw sa Panalangin ng mga Katekista).

MULA sa bayan (0916-5401958; litobautista5319@yahoo.com): Grabe kung salsalin ng New York Times ang balita hinggil sa Pinas. Mabuti na lang at magkasama tayo nina Lulu, Fidel, atbp., sa Manila Times noon. Bawal ang istoryang salsal. …8755

Read more...