Maine nagulat sa b-day surprise ni Alden; todo ang kulitan at harutan sa live chat

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SINIMULAN ni Alden Richards ang pagbibigay ng sorpresa kay Maine Mendoza nang magdaos ang GMA ng Destined To Be Yours live chat last Wednesday para sa kanilang followers. Kulitan at harutan ang nangyari na ikinatuwa ng AlDub Nation.

Bakas sa mukha ni Meng ang pagkagulat nang maglabas ng birthday cake si Alden. Kahit halos araw-araw na nga silang magkasama ng Pambansang Bae, may gulat factor pa rin ang surprises sa kanya ng kapareha.

Ngayong araw ang birthday ni Maine. Inaabangan ang mga sorpresang ihahatid ni Alden. May taping din sila ngayon para sa Destined To Be Yours.

Pero bago ang birthday, binati muna ni Meng ang lead vocalist ng fave band niyang Coldplay na si Chris Martin na naunang nag-birthday. Remember, niregaluhan si Meng ni Chris ng love button galing sa isang friend ng phenomenal star, huh!

O, AlDub Nation, sabay-sabay ninyong batiin ng “Happy birthday” si Maine a.k.a. Yaya Dub ng inyong buhay!

Read more...