Web series na ‘Sabagay Life’ ng D5STUDIO patok sa barkadang Pinoy; may season 2 na

CAST NG SABAGAY LIFE

CAST NG SABAGAY LIFE

SIGURADONG makaka-relate ang mga millennial sa bagong handog ng D5STUDIO, ang Sabagay Life, na isang web series inspired ng US sitcoms tulad ng Friends at How I Met Your Mother.

Nakasentro ang kuwento ng Sabagay Life sa anim na indibidwal in their 20’s na nasa dulo na ng kanilang buhay-kolehiyo at nasa proseso na ng paghahanda para sa kanilang kinabukasan.

“When you’re in your 20s, somehow you’re lost. You’re looking for your passion and everyone goes through that phase,” explika ni direk Joel Ferrer sa tema ng Sabagay Life, na nagkaroon na ng mahigit na isang milyong views sa kanilang anim na episode.

Si Joel Ferrer din ang nagdirek ng indie film na “Baka Siguro Yata” at isa pang D5Studio Original na Forever Sucks na pinagbidahan ni Jasmine Curtis.

Kahit may kanya-kanyang isyu sa buhay ang mga magkakaibigan sa kuwento, meron pa rin silang time para sa isa’t isa. Pero tulad ng ibang tropa o barkada, meron din silang iba’t ibang personalidad na magka-clash at maghahatid ng lalim sa kwento.

Nandiyan si Jinno (Bryan Sy), isang hopeless romantic na saksakan ng torpe na iniisip na lahat ng bagay sa buhay niya ay nakaplano na; ang kanyang love interest na si Jackie (Joyce Pring) isang babaeng matapang at artsy na mahilig sa adventures na nagiging usual na dahilan kaya siya napapatrouble.

Alpha-male type naman si Bryan (Dino Pastrano) pero sa may itinatago rin namang kabaitan; ang girlfriend niya at ka-live in si Timi (Gabby Padilla) na isang drama queen. Kilala naman si Gail (Pocholo Barretto) bilang troublemaker ng barkada at si Din (Kat Aragao) na isang masungit na bookworm, wala na siyang ginawa kundi mag-aral.

Ayon sa mga bida ng Sabagay Life, sa iba’t ibang personalidad ng magbabarkada siguradong makaka-relate ang mga viewers sa kanila.

Ang main story nito ay naka-focus kay Jinno, kung paano niya aaminin ang feelings kay Jackie, kasabay nito ang paglalahad kung paano makakaapekto ang kanilang magiging relasyon sa kanilang barkadahan.

Pero ayon sa direktor, ang mas lalong magpapa-hook sa mga netizens ay ang iba’t ibang sitwasyon kung saan pwedeng maging mas close sila sa isa’t isa o di kaya’ y tuluyan nang mag-goodbye sa kanilang forever.

Ang unang season ng Sabagay Life ay napanood last December at nagkaroon na ito ng solid online followers na talagang nakaabang na sa ikalawang season.

Mapapanood anytime ang season one sa D5Studio sa link na ito https://d5.studio/originals/shows/sabagay-life/ o sa Youtube: https://www.youtube.com/d5studio” https://www.youtube.com/d5studio.

Read more...