MUKHANG nakinig naman ang produksyon ng teleseryeng The Better Half sa reklamo ni MTRCB Board Member Mocha Uson at iba pang moralista.
Medyo tame na kasi ang mga napanood naming eksenang nagpupulot-gata ang mga karakter nina JC de Vera at Shaina Magdayao bilang bagong kasal.
Ang nakita naming rating ng serye nang umere ang nasabing “honeymoon scene” ay PG o Parental Guidance kaya puwede itong panoorin ng mga menor de edad, pero sa pagkakaintindi namin habang ipinalalabas ang The Better Half sa timeslot nito, it’s either tulog o nasa mga paaralan ang mga bata kaya tanging mga magulang at mga kasama sa bahay ang nakakapanood ng nasabing serye sa hapon.
Kaya kahit kami ay nagtataka kung ano ang basehan ng reklamo ni Mocha at ng ilang netizens na matatawag ng “soft porn” ang programa at base na rin sa naging pahayag ng co-board members niya as MTRCB ay pumasa naman ito sa panlasa nila kaya pinayagang ipalabas sa rating na SPG.
Sabi nga, iba-iba ang panlasa ng bawat manonood, puwedeng iba kay Mocha, pero marami naman ang nagkakaisang gusto nila ang palabas.
Kaya ito ang pinagsisentimyento de asukal ni Mocha kasi nag-iisa nga lang daw siya sa board na hindi sang-ayon sa pagpapalabas ng mga ganitong uri ng programa sa TV.
Pero teka, hindi ba’t sa mga datihan ka rin nanghihingi ng advise o opinion kapag may gusto kang malaman? Ano ‘yun, tsinitsika mo lang sila para may open communication kayo tapos hindi mo naman yata sinusunod?
Kuwento sa amin ng katoto na nakarinig ng tsikahan sa MTRCB office noong dumalaw siya, “Panay ang tsika niya ngayon sa kapwa niya board members, kung anu-ano ang tinatanong, siguro kinukuha niya ang loob nila, e, parang hindi naman siya pinapansin kasi abala sila sa pagrerebyu.
“Ewan ko itong si Mocha kung tinatapos niya ang rebyu kasi ang alam ko, minimum of eight shows ang dapat irebyu sa isang araw. Pero ‘yung iba, more than eight ang napapanood kasi pinagdidiskusyunang maigi sa board ‘yung mga napanood nilang movies and shows,” kuwento sa amin.
At heto pa, nag-iimbestiga pala itong si Mocha kung paano lumabas sa media na isang beses lang siyang nakadalo sa board meeting?
Naman Mocha, nakalista po sa attendance kung ilang beses ka um-attend at ang papel na iyon ay maraming iniikutan, siyempre may mga nakakabasa na no’n at halos lahat ng board member ay may mga kakilalang entertainment press.
Dumagdag pa ang panayam kay MTRCB Chairperson Rachel Arenas na nagsabing absent ka sa board meeting nu’ng siya na ang nakaupo. Sana magtuluy-tuloy na ang pananahimik ng sexy singer para smooth na ang samahan nila sa loob ng MTRCB – gawin na lang niya ang trabaho niya nang maayos para walang gusot.
Mocha iniimbestigahan mga kasamahan sa MTRCB?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...