Imbak na lakas (Bandera Forecast 3)

SA ikatlong araw ng Bandera Forecast, maraming salamat at bahagi na ng pacman trainingbuhay ninyo ang Bandera, pati na ang aming blog.  Sa laban sa Linggo nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto, mahalaga ang tinatawag na “stored energy.”  Imbak na lakas, o puwersang baon, habang nakikipagbayuhan sa ring.  Sobra ang bigat ni Cotto at kailangang magbawas ito.  Pag-akyat sa ring, bawas na ang kanyang lakas at papabor ito kay Pacquiao.  Pero, sa kampo ni Cotto, si Pacquiao ang kukulangin sa imbak dahil ang training nito ay may singit na sosyalan.  Alam ni Cotto na raratsada agad si Pacquiao sa unang round, dahil ito ang gusto ni Freddie Roach.  Pagmasdan ang kanilang mga katawan.  Sino ang may mas imbak na lakas?  Hanggang anong round aabot? I-text ang inyong sagot sa 0917-8446769, i-mail sa lbautista@bandera.ph o i-blog sa https://banderablogs.wordpress.com

Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 111109

Read more...