HINDI man diretsahan ay umamin na rin ang youngest child nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Kiana sa tunay na relasyon nila ng singer na si Sam Concepcion. Napatango na lang ang dalaga when asked kung sila na ni Sam sa programang Gandang Gabi Vice.
Bisperas ng Valentine’s Day naging guest si Gary sa Tonight With Boy Abunda pero hindi niya kinumpirma o idinenay kung may relasyon na sina Kiana at Sam.
He only has good words for Sam at pinuri pa that he’s better now as an artist. Dagdag pa ni Gary, magkakilala na raw si Sam at ang anak niyang si Kiana since they were little kids.
Mukhang aprub naman kay Mr. Energy si Sam bilang boyfriend ng kanyang unica hija. Same thing goes probably sa misis ni Gary na si Angeli na bata pa lang din si Sam ay kilala na niya.
Unlike nu’ng naging karelasyon ni Sam si Jasmine Curtis, e, very evident na hindi siya type ni Anne Curtis for her younger sister.
It seems last quarter pa ng 2016 naging official ang relasyon nina Kiana at Sam. We’re not sure lang if Sam is Kiana’s first boyfriend. Pero sa ganda ni Kiana, mukhang hindi si Sam ang first boyfriend niya.
While si Sam bukod kay Jasmine, e, na-link din noon kay Julia Barretto.
Parehong mahusay na singer sina Kiana at Sam. We just hope na makatulong ang relasyon nila in singing beautiful music together. Ang tanong, sa kasalan na rin kaya mauuwi ang kanilang love story?