Andi baliw na baliw sa bagong boyfriend

andi eigenmann

SUPER in love ang Kapamilya actress na si Andi Eigenmann sa bago niyang boyfriend na si Emilio Arambulo.

Sa latest Instagram post ni Andi, makikita ang litrato nila ng kanyang dyowa na magkayakap habang nasa isang beach resort sa Quezon. Binati niya ito ng “happy birthday” sa mahaba niyang caption.

“May you go forth, and boldy take the direction of your dreams. I promise to be by your side through it all. And no matter how low you may find yourself in, I will be here to treat you as though you are in your highest, because I believe in you,” sey ni Andi.

Base sa iba pang IG post ng anak ni Jaclyn Jose, kitang-kita ang pagka-in love nito sa kanyang BF. Masaya naman ang kanyang mga kaibigan at followers sa bagong lovelife ng dalagang ina.

Read more...