Dancer kritikal sa pamamaril | Bandera

Dancer kritikal sa pamamaril

John Roson - March 01, 2017 - 05:20 PM
BUKIDNON Kritikal ang lagay ng isang babaeng dancer matapos barilin ng mga di pa kilalang salarin sa Valencia City, Bukidnon, Martes ng gabi, ayon sa pulisya. Isinugod ng mga pulis sa ospital si Maribel Jariolne, 35, dahil humihinga pa nang matagpuan, sa kabila ng balang tumagos sa kanyang ulo, ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police. Una dito, natagpuan ng isang residente si Jariolne na nakahandusay sa Crossing Sugarland, Brgy. Lumbo, pasado alas-10. Si Jariolne, dancer sa Booms Combat Tea Music Lounge and KTV bar, ay nagtamo ng mga sugat na dulot ng balang pumasok sa kaliwang bahagi ng ulo at lumabas sa kanan, ayon sa ulat. Natagpuan ang kanyang hand bag, na may mga damit, cosmetic items, at cellphone, sa crime scene. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dalawang lalaking magkaangkas sa motor ang bumaril kay Jariolne. Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin. (John Roson) – end – Reply Reply to All Forward More

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending