INIMBITAHAN ni Pangulong Duterte sa Malacanang ang mga transport groups na nanguna sa tigil pasada noong Lunes na naging dahilan para ma-stranded ang libo-libong mga pasahero.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang imbitasyon ni Duterte sa mga transport groups.
“There’s no definite date but there will be…There’s no definite date yet as far as I know. But it will be held… It will be held, yes,” sabi ni Abella.
Isinagawa ang tigil pasada ng mga jeepney drivers at operators sa harap ng plano ng gobyerno na i-phase out ang mga jeepney na may edad na 15 anyos pataas.
Nauna nang nakipagpulong si Duterte sa mga grupo ng mga manggagawa sa harap ng isyu ng kontraktuwalisasyon.
“It was an assurance that he would also listen to them because their own concerns were different from this DOLE,” ayon pa kay Abella.