Tatandang binata ba? | Bandera

Tatandang binata ba?

Joseph Greenfield - March 01, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Nestor ng Tikay, Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,

Hindi ko po akalaing aabot ako sa edad na 48 na hindi nagkakanobya at nakakapag-asawa. Mahiyain po kasi ako at parang may pagka-silahis, pero hindi naman po ako bakla. Isang career eligible ako at nagtatrabaho sa isang government office. Kaya lang habang tumatagal— hindi naman sa sawa na ako sa aking trabaho, kundi parang wala ng nangyayari sa buhay ko—ay malimit akong dalawin ng pag-iisa at kalungkutan. Lalo na ngayong namatay na nanay at tatay ko at ako na lang ang ang nag-iisang naiiwan sa ipinamana sa aking bahay. Ang taong ko po ay kung may pag-asa pa kayang ako ay makapag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya? At kung mayroon pa, kailan kaya ito matutupad at saan ko mahahanap ang babaeng itinakda sa akin ng kapalaran na makakasama ko habang buhay? February 7, 1969 ang birthday ko.
Umaasa,
Nestor Malolos, City, Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Salamat naman at may malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) na sumulpot at ganap na naging guhit sa iyong palad. Tanda na kahit na malapit ka ng mag-singkwenta, tiyak ang magaganap sa awa ng Maykapal. Makapag-aasawa ka at sa takdang panahong inilaan ay magkakaroon ka ng isang simple pero maligayang pamilya habambuhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, sa edad mong 48 pataas, isang babaing simple lang na may kayumangging kulay ang iyong makikilala, kusang maliligawan hanggang sa tuluyan na kayong magkaigihan at makabuo ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending