Paandar ng loyal AlDub fan sa highway ng La Union epektib

maine mendoza at alden richards

MATIYAGANG naghintay sa highway ng Rosario, La Union ang isang fan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nakuhanan ng picture ni Triple AAA President Rams David.

May dalang placard ang nag-iisang lalaki kung saan may nakasulat na: “Hi Maine and Alden #DTBY – Oropilla family.”
Nagpasalamat naman si Rams sa nasabing pamilya at itinag pa sina Alden at Maine sa kanyang post sa Facebook, Twitter at Instagram.

Dumalo sa Panagbenga Festival sa Baguio sina Alden at Meng. Siyempre pa, nagkagulo ang lahat sa presence nila sa festival. Napakainit ng pagtanggap sa kanila ng mga taga-Baguio.

Eh, may segment din ang dalawa sa nakaraang episode ng Sunday PinaSaya kaya doble ang kaligayahang natanggap ng AlDub Nation mula sa kanilang mga idolo na umaga hanggang hapon ay nakapiling nila.

Kahapon sa Eat Bulaga ay wala sina Alden at Maine. Pero todo ang suporta sa kanila ni Joey de Leon lalo na sa pagsisimula ng kanilang launching series na Destined To Be Yours, na panay ang post sa IG account niya ng kalokohan pero may hashtag na #DTBYWorldPremiere.

Wala ring pasok sa Metro Manila kahapon kaya ang ilang loyalista ng AlDub Nation ay maagang naki-join sa Twitter party ng DTBY, huh! Stay home lang sila para masimulan ang world premiere ng Destined To Be Yours sa GMA Telebabad.

Read more...