Horoscope, February 28, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Kung nagbabalak magpaganda ng bahay kurtinang apple green ang magbibigay ng suwerte. Sa pag-ibig, kung apple green ang isusuot, matamis na romansa ang kasunod. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng kulay na apple green mas mabilis na kikita ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng pamilya ang mas dapat umahin at pahalagahan. Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Habang nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin at wag ding ipagpalit sa iba ang kasuyong Capricorn malaking halaga ng salapi ang maitutulong nya sa iyo. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Aaanhin ang salitang pagmamahal kung pareho naman kayong magugutom. Higit na mas nagiging maligaya ang relasyon kapag maraming pang-gastos. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam-Om.” Gray at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansyal at pag-ibig, iwasan ang labis na pagiging emosyonal upang lumigaya ka ng husto at dumami ang kita. Sa pagiging praktikal uunlad at mas magiging maligaya ka. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Beeja-Om.” Beige at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kung ayaw mong mapaki-alaman wag ding makialam sa buhay ng iba, upang makaiwas sa mga intriga. Sa pinansyal, wag mang-gaya ng produkto, panahon na upang umimbento ng sarili at unique na kalakal na magpapayaman sa iyo. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Disiplinahin ang sarili na magtipid. Sa pag-ibig, wag kang mag-hintay ng “ideal love” hindi darating yan! Makipag-relasyon sa isang Taurus upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Pabago-bago ang lagay ng panahon kaya uso na naman ang ubo at sipon. Sa pag-ibig, regaluhan ng prutas at sariwang gulay ang kasuyo upang hindi siya magkasakit. Sa pinansyal laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang emergency. Mapalad ang 6, 18, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig ituloy ang maligayang relasyon sa isang Cancer. Sa pinansyal ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa ganyang teknik tuloy-tuloy ka lang sa iyong ginagawa, higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal, kumilos ng kumilos hindi dapat matakot at mag alinlangan sa sariling kakayahan. Sa pag-ibig ganon din, kapag mahina ang loob walang kaligayahang makakamit. Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Maroon at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa minamahal, upang lalo pang uminit ang relasyon. Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Sa pag-ibig maging praktikal upang hindi ka na lumuha pang muli at masaktan. Sa pinansyal panahon na upang magpakatuso. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa panahong ito na malapi na summer ngayon palang mag ipon na ng pera upang may mapang-outing, hindi iyong kung kailan ang lakad saka ka mangungutang. Sa pag-ibig paminsan-minsan mamasyal naman kayo ng minamahal sa tabing dagat. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Read more...