AS expected, nagbigay din ng kanyang saloobin ang TV host na si Bianca Gonzalez tungkol sa ginanap na 31st anniversary People Power Revolution sa EDSA Shrine last Saturday, Feb. 25.
Hindi siyempre, nagpahuli sa balitaktakan ang Kapamilya TV host sa mainit pa ring pinag-uusapang EDSA rally, lalo na ang tungkol sa “pagwawala” roon ng music icon na si Jim Paredes.
Kung matatandaan, nag-viral ang video at mga litrato ni Jim habang tinatalakan ang ilang mga kabataan na pumunta sa EDSA People Power Revolution anniversary noong Sabado na diumano’y mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isang kilalang die hard supporter ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Jim Paredes at kontrang-kotra sa pamumuno ni Digong.
Going back to Bianca Gonzales, kilala rin ang TV host sa kanyang katapangan sa paghahayag ng kanyang saloobin sa mundo ng politika. Sa katunayan, maraming beses na siyang na-bash ng netizens dahil dito.
Nito ngang nakaraang weekend, muling nag-post si Bianca ng kanyang opinyon sa ginanap na rally sa EDSA Shrine last Feb. 25 na karamihan daw sa mga dumalo ay mga “dilawan” o ang mga kaalyado ni dating Pangulong Cory Aquino at P-Noy.
Hirit ni Bianca, “Hindi lahat ng nakikiisa sa EDSA ay dilawan. Salamat sa mga nauna sa atin para sa paglaban sa kalayaan!”
Naging masipag din ang TV host sa pag-retweet ng mga mensahe ng netizens na nagsasabing ang EDSA rally last Saturday ay higit pa sa pagiging pro-Aquino.