MULING pinabilib ni The Voice Kids Season 2 champion Elha Nympha ang madlang pipol sa performance niya last weekend sa Your Face Sounds Familiar Kids ng ABS-CBN.
Binigyan ng hustisya ni Elha ang panggagaya sa international singer na si Sam Smith with the song “Stay With Me”, at dahil nga rito siya ang nakakuha ng pinakamataas na score (24 points) mula sa mga judges.
Bukod sa P50,000 cash prize, nag-donate rin si Elha ng P50,000 worth of books sa kanyang napiling charity, ang Paradise Farms Community School.
Sabi ni judge Ogie Alcasid sa performance ni Elha, “Nakakasira ka ng ulo, ang galing mo sobra!”
“Thank you for doing that number so beautifully and so, so like Sam Smith,” sey naman ni Sharon Cuneta.
Pumangalawa kay Elha sa naganap na showdown last Sunday si Xia Vigor with 21 points for her performance as Apl.de.Ap habang ikatlo naman si Alonzo Muhlach na nakakuha ng 17 points para sa panggagaya niya kay Cyndi Lauper.