Bumigay agad (2) | Bandera

Bumigay agad (2)

Joseph Greenfield - February 28, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Beverly ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Problema:
1. Sa unang pagkikita pa lang namin ng lalaking naka-text mate kong tawagin na lang nating Martin ay na in love na po ako sa kanya, kaya naman matapos naming mag-meryenda ay nagawa kong sumama sa kanya sa isang pribadong lugar. Hindi ko nga po alam kung paanong nangyari iyon at parang may pagsisisi akong nadama pero masaya naman po ako ng ma-realize kong mali ang aking nagawa.
2. Itatanong ko lang sana kung siya na kaya ang lalaking makakatuluyan ko at makakasama habang buhay? Compatible po ba kaming dalawa, November 14, 1993 ang birthday ko at July 8, 1991 naman po siya.
Umaasa,
Beverly ng
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 1.) habang Cancer naman ang lalaking sinasabi mo ay sadyang tugma kayo sa isat-isa, kung saan, ang Scorpio at Cancer ay kapwa nagtataglay ng elementong tubig at tulad ng nasabi na, compatible at tugma kayong dalawa.
Numerology:
Habang ang birth date mong 14 at 8 naman ang lalaking naka-love at first sight sa iyo at nakauna sa iyong pagkababae ay sadya namang magiging umuunlad ang inyong itatayong pamilya kung sakaling kayo na ang naging mag-asawa. Kaya nga kapag kayo ang nagkatuluyan tulad ng nasabi na, bukod sa magiging maligaya ang inyong relasyon tuloy-tuloy pa kayong uunlad at yayaman.
Luscher Color Test:
Mapalad namang kayong dalawa sa kulay na berde, dilaw at pula. Ang nasabing mga kulay ang dapat nyong isuot sa tuwing kayong magde-date upang patuloy na lumawig at lumago ang inyong pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Beverly ayon sa iyong kapalaran bagamat ang kasalukuyan mong boyfriend na naka-love at first sight at naka una sa iyong pagkababae ang nakatakda mo ng makatuluyan, hindi ka naman dapat bumigay ng bumigay at magmadali, sa halip hinay-hinay lang at alalahanin mong may panahon ang lahat ng bagay. Tapusin mo muna ang iyong pag-aaral at kapwa muna kayo maghanap ng stable na trabaho at mag-ipon, upang pagsapit ng taong 2019 sa edad mong 26 pataas 28 naman ang iyong boyfriend, tuluyan na kayong magpapakasal at magsasama sa pagbuo ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending