Barangay Ginebra itinabla ang Finals series

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel Beer vs Barangay Ginebra

ITINABLA ng Barangay Ginebra ang kanilang championship series kontra San Miguel Beer sa tig-isang panalo matapos itakas ang 124-118 overtime win sa Game Two ng kanilang 2017 PBA Philippine Cup best-of-seven Finals Linggo ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon Province.

Gumawa si Japeth Aguilar ng 23 puntos  at 11 rebounds para pamunuan ang Ginebra habang nagdagdag si Scottie Thompson ng 18 puntos, 18 rebounds at 8 assists.

Read more...