Yassi umamin na: Posibleng ma-in love kay Coco

yassi pressman at coco martin

MARIING pinabulaanan ni Yassi Pressman ang chika na may namamagitan nang something sa kanila ni Coco Martin. Super close na raw kasi ang dalawa dahil sa kanilang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon sa dalaga, magkaibigan lang sila ng Teleserye King, “Huwag na nating bigyan ng malisya.

Gentleman naman talaga siya. Sobrang mabait siya sa lahat sa amin sa set, maasikaso siya sa lahat sa amin sa set, mabuting tao talaga.”

Pero inamin ni Yassi na posible talagang mahulog ang loob niya sa kanyang leading man. “Puwede naman, why not? Tulad nga ng sinabi ko sa ibang interviews dati, mabait talaga na tao, sincere, hardworking, at maasikaso si Coco.

“But as of now, hindi pa. Focus muna sa career. Pa-start pa lang ako ulit, gusto ko munang mag-focus sa trabaho ko,” ang sabi pa ni Yassi sa isang panayam.

Read more...