Laging “busted” (2)

Sulat mula kay Bong ng Eastville, Filinvest, Cainta, Rizal
Problema:
1. Nagtataka po ako sa sarili ko kung bakit masipag naman akong manligaw at may itshura din naman ang pinagtataka ko ay kung bakit ni isa ay wala akong napasagot sa mga babaing nililigawan ko? Kung may babaing mahina ang sex appeal, siguro sa lalaki, mahina din ang sex appeal ko.
2. Paano po ba lalakas ang aking hatak sa mga babae, upang sa edad kong 27 ay magka-girlfriend na ako. Ako na lang kasi ang walang asawa sa aming magkakapatid at walang girlfriend sa aming magkaka-barkada. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend at makapag-aasawa? September 2, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Bong ng Cainta, Rizal
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing isang babaing isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Cancer ang biglang darating at bigla mo rin siyang magiging girlfriend sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong 27 pataas.
Numerology:
Sa susunod na panliligaw, wag kang manliligaw ng hindi mo ka-compatible dahil mabibigo ka lang. Bukod sa isang Taurus at Cancer ka-compatible mo rin silag isinilang sa petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19 at 28.
Luscher Color Test:
Dapat din namang isuot mo ang mapalad mong kulay sa tuwing manliligaw ka at ito ay ang kulay na berde, gray at silver. Lahat ng uri ng berde at itim ay bagay din sa iyo bilang pampalakas ng iyong sex appeal.
Huling payo at paalala:
Kung minsan kung sino pa iyong masipag manligaw ay hindi talaga binibigyan ng tadhana ng babae o ng girlfriend, kasi nahahalata silang kaya nanliligaw ay para “mapasagot ang isang babae.” Hindi ganoon iyon! Sa halip ang mas epektibong panliligaw ay kaibiganin mo muna ang isang babae, kapag mag kaibigan na kayo hayaan mong kusang mahulog ang loob nya sa iyo. At ganon nga ang mangyayari ayon sa iyong kapalaran, kung saan tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong 27 pataas sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas, ng isang babaing may initial na J.C. kung saan, matapos mong magka-girlfriend, sunud-sunod na iyan hanggang sa makaapat na girlfriend ka at ang ikaapat na babae ang siya mo ng makakatuluyan at mapapangasawa na nakatakdang maganap sa taong 2020 sa edad mong 31 pataas.

Read more...