Laging busted

Sulat mula kay Bong ng Eastville, Filinvest, Cainta, Rizal
Dear Sir Greenfield,

Nagtataka po ako sa sa-rili ko kung bakit masipag naman akong manligaw at may itsura din naman, ang pinagtataka ko ay kung bakit ni isa ay wala akong napapasagot sa mga babaeng nililigawan ko?
Kung may babaeng mahina ang sex appeal, si-guro sa lalaki, mahina rin ang sex appeal ko. Paano po ba lalakas ang aking hatak sa mga babae, upang sa edad kong 27 ay magka-girlfriend na rin ako. Ako na lang kasi ang walang asawa sa aming magkaka-patid at walang girlfriend sa aming magkakabarkada. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend at makapag-aasawa? September 2, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Bong ng Cainta, Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malayo kasi ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong Heart Line, kung kaya’t umabot ka ng edad 27 nang hindi nagkaka-GF. Ganon pa man, dahil may Marriage Line ka nga o Guhit ng Pag-aasawa, hindi ka dapat mabahala dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-girlfriend ka rin at tuluyang makapag-aasawa.
Cartomancy/Practical Couseling:
Queen of Clubs, Eight of Harts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 hanggang 2018, magkaka-girlfriend ka na hatid ng isang babaeng tahimik, mahinhin at mabait.
Itutuloy…

Read more...