Daniel-Sarah love team oks na oks kay Kathryn

TULAD ng kanyang reel and real life partner na si Daniel Padilla, pangarap din ni Kathryn Bernardo ang makasama sa isang proyekto si Sarah Geronimo.
Nauna nang ibinandera ni DJ na umaasa siyang makakatrabaho rin ang Pop Princess sa isang pelikula o serye matapos ang “viral duet” nila sa ASAP two weeks ago.
“Nasabi ko kay Mr. M (Johnny Manahan) na kung magkakaroon man ako ng movie na iba ang kasama, si Miss Sarah Geronimo sana. Yun lang naman ‘yun. Sabi niya siya (Mr. M) na raw bahala,” ang bahagi ng pahayag ni Daniel sa isang panayam.
Siyempre, aprub na aprub diyan ang kanyang ka-loveteam na si Kathryn dahil aminado naman ang dalaga na idol din niya si Sarah G.
Mas maganda nga raw kung silang tatlo ang magkakatrabaho sa isang project, “Ako rin gusto ko maka-work si ate Sarah. Fan ako ni Miss Sarah Geronimo.
“Kung magkaroon siguro sila ng project together in the future with or without me, support na lang natin kasi gusto niya ‘yun and para mabigyan din tayo ng ibang opportunity. Cute naman din if ever mangyari kasi big fan ako ni ate Sarah,” chika pa ni Kath.

Read more...