Leila de Lima biglang nabahag ang buntot, inatake ng matinding nerbiyos

LEILA DE LIMA

LEILA DE LIMA

MAS maingay ngayon ang mundo ng pulitika kesa sa lokal na aliwan. Mas maaksiyon ang kanilang mundo kesa sa showbiz, ang dami-daming nagaganap sa mundo ng pulitika, sila ang sentro ng atensiyon ng ating mga kababayan ngayon.

Pinakamaiinit sa isyu ang pagpapalabas ng warrant of arrest para kay Senadora Leila de Lima. Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng PNP kung saan siya ilalagak.

May mga binabanggit na pasilidad ang mga opisyales, pero mukhang ayaw ni Senadora de Lima du’n, baka raw kasi malagay sa alanganin ang kanyang buhay.

Napanood namin ang video habang nagbibigay ng pahayag ang senadora nu’ng nakaraang Miyerkules.

Du’n niya sinabi na isang mamamatay-tao ang ating pangulo, hindi raw ito karapat-dapat sa pinanghahawakan nitong posisyon sa ating bayan bilang tagapamuno, dahil isa itong killer.

Napakadiin ng kanyang pagkakasabi nu’n, talagang nagpupuyos ang kanyang damdamin, parang bagong panganak na tigre ang senadora sa kanyang pag-asta.

Pero kinabukasan lang, Huwebes, bandang alas kuwatro nang hapon ay kumalat agad ang balita na may inisyu nang warrant of arrest para sa senadora.

Matagal muna siyang namalagi sa kanyang opisina sa Senate, isa-isang nagdatingan du’n ang mga kaalyado niyang senador, hanggang sa humarap na siya sa media bandang pagabi na.

Ibang-iba na ang itsura ng senadorang humarap, kabaligtaran na ‘yun ng mabangis na tigre, ramdam ang matinding nerbiyos ng senadora dahil sa pahintu-hinto niyang pagsasalita na kinambalan pa ng pangingilid ng kanyang luha.

Nakiusap siyang umuwi muna para makasama ang kanyang pamilya. Pero nang sumugod ang mga arresting officers sa kanyang bahay sa Parañaque ay napag-alaman ng grupo na bumalik din pala uli sa Senado ang kanilang pakay at du’n nagpalipas nang magdamag.

Kahapon nang umaga ay isinuko na ni Senadora Leila de Lima ang kanyang sarili sa mga otoridad. Sa ayaw niya at sa gusto ay kailangan siyang sumunod sa kumpas ng mga tagapamuno ng PNP at ng korte kung saan ang magiging pansamantalang tahanan niya habang nililitis ang mga kasong nonbailable na isinampa laban sa kanya.

Read more...