Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.1 ang Zambales kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:31 ng umaga.
Ang sentro nito ay 22 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Antonio at may lalim na 17 kilometro.
Ang pagyanig ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate. Naramdaman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa Olongapo City.
MOST READ
LATEST STORIES