MAGANDANG araw po sa Aksyon line, may limang taon na po na OFW ang mister ko sa Saudi Arabia. Gusto ko po sana na magtayo na kahit konting puhunan para makapagsimula ng negosyo. Hindi na rin kasya ang ipinapadala ng mister ko lalo tatlo ang nag-aaral kong anak. Gusto ko po sanang malaman kung may loan na pwedeng ma-avail sa OWWA at magkano po ang pwedeng makuha at mga requirements.
Mrs.Edel Mayrina
Brgy Tunasan , Muntinlupa City
REPLY: Para sa iyong katanungan Ginang Edel, may nakalaang P2 bilyong OWWA OFW Reintegration program para sa mga nagnanais na magtayo ng negosyo.
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pakikipagtulungan ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines (LandBank) ay nagpapautang sa mga kwalipikadong miyembro ng OWWA.
Layunin nitong matulungan ang mga OFWs at kanilang pamilya.
Ang mga OFWs ay maaaring makapag avail ng loan :
Viable project that will generate a net monthly income of at least Php10,000
Loan amount: P300,000- to P2.000,000- na may interest rate na 7.5% annually.
Payments: monthly/quarterly/annually depending on the project cash flow.
Where to apply: OWWA Regional Welfare Office (ORW)
Eligibility requirements:
Be an active member of the OWWA have completed the Entrepreneurial Development Training (EDT) conducted by NRCO and OWWA ORWs in cooperation with the Department of Trade and Industry / Philippine Trade Training Center (PTTC) / Bureau of Micro, Small and Medium Enterprise Development (BSMED).
Provide 20% equity
Project must generate net income of at least Php10,000 for the OFW and their family. For more information please visit:
https://www.owwa.gov.
ph:8080/wcmqs/programs_services/Reintegration%20Program/FAQ+Reintegration+Program.html
Ms Marie Cruz
Advocacy and marketing division
OWWA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.