PARA kay Gerald Anderson, wife material ang tingin niya kay Bea Alonzo na bida sa A Love To Last series.
“She is, but malayo pa ‘yon. I have so many things juggling at the same time. Maraming priorities and as a person ay gusto kong i-fulfill lahat ng iyan before even thinking about that,” say ni Gerald sa latest interview niya.
“I hope I complement her. She’s my better half. Ini-enjoy ko ‘yung partnership. Yung oras na meron kami. So kung ano ‘yung oras na meron siya, it’s a privilege for me,” dagdag pa ng aktor.
Even sa A Love To Last ay wife material din ang tingin nina Anton (Ian Veneracion) at Totoy (Xian Lim) kay Andeng (Bea) kaya naman nagpapaligsahan sila para mas lalong mapalapit sa dalaga.
MOST READ
LATEST STORIES