Lloydie walang swerte sa babae, pero asa pa rin sa ‘forever’

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN LLOYD CRUZ

ITINANGGI ni John Lloyd Cruz ang chikang nagkabalikan sila ni Angelica Panganiban.

Isang “No” ang naging sagot ni John Lloyd sa isang report sa show ni Boy Abunda.

Ito ay matapos kumalat ang photo nina Angelica at John Lloyd sa social media. The ex-couple was seen in an event together and netizens concluded na they were back in each other’s loving arms.

But Papa Lloydie was quick to quash the rumor. No, hindi sila nagkabalikan ni Angelica.

Another issue which John Lloyd said no was his rumored romance with Ellen Adarna.

Nakita raw kasi sila sa lobby ng isang hotel and many were quick to conclude that they’re an item. It didn’t help na merong lumabas na photo na magkasama sila sa isang selfie.

Being one of the most eligible bachelors, talagang inaabangan ang love life ni John Lloyd, ha. Pero mukhang wala ngang swerte sa babae ang aktor. But like he said in an interview, darating ang kanyang “forever” kahit hindi niya ito hanapin.

Read more...