Tammy Brown pwede sa chick, boy, bakla at tomboy; walang pinipiling kasarian ang love

16976293_10154706076929902_752815491_n

GAME na game na ini-reveal ng standup comedian na si Tammy Brown na pwede siya sa chick at pwede rin siya sa boy.

Sa kanyang live guesting sa ShowbizLive, inamin ni Tammy na wala sa kasarian ang relasyon kundi sa puso dapat ito nakabase.

“Sa puso ako bumabase” pahayag ni Tammy sa tanong kung anong hanap niya sa isang makakarelasyon.

Kwento ni Tammy, bagamat isa siyang mapagbirong tao, seryoso siya pagdating sa usapin ng pag-ibig.

“Naranasan ko na ang lahat ng klase ng relasyon — mapalalaki, bisexual, bakla, babae at maging tomboy. Pero ito ngayon ko lang sasabihin, Hindi ako bakla,” pagtatapat ni Tammy.

Nakikita din nya na may posibilidad na babae ang makatuluyan niya at ok lang sa kanya na ibigay lahat-lahat sa babae basta aalagaan daw nila ang isa’t isa.

Read more...