2 sugatan matapos ang 4.6 magnitude na lindol sa Davao

davao city

DALAWA ang sugatan nang gumuho ang isang lumang  waiting shed sa Davao City matapos maramdaman ang 4.6 magnitude na lindol sa lungsod.
Ayon sa ulat, nabagsakan ang dalawang biktima ng gumuhong waiting shed sa kahabaan ng Quirino Ave.

Bukod sa Davao City, naramdaman ang lindol sa Compostela Valley at Davao del Norte, Tagum City, at Panabo City.
Matatandaang tumama ang 6.7 magnitude na lindol sa Caraga regon, kung saan labis na napinsala ang Surigao City.

Read more...