Sofia Andres: Alam ko pong hindi nagda-drugs si Diego!

diego loyzaga at sofia andres
ISANG mariing “no, no” ang sagot ni Sofia Andres sa isyung nagda-drugs ang rumored boyfriend niyang si Diego Loyzaga.
“Kaya ko pong patunayan na negative (siya sa drugs). Actually, I have no idea about it, pero nagsabay po kami ni Diego sa drug test, honestly. Opo, alam po ‘yan ng Star Magic,” say ni Sofia sa presscon ng Regal Films latest offering na “Pwera Usog” kung saan tampok din sina  Joseph Marco, Albie Casiño, Devon Seron, Kiko Estrada and newest Regal baby Cherise Castro.
Being the closest girl to Diego ay alam ni Sofia ang pinagdadaanan ng actor. Aware siya sa conflict nito with his father, Cesar Montano.
“Opo, nakukuwento niya po sa akin,” say ng dalaga. “Nandito ako to help him and naha-handle naman po niya nang maayos,” dagdag pa ni Sofia.
When Diego ranted on his social media account ay nagkausap sila and she believes na “magiging maayos din (ang) lahat.”
Of course, Diego told her about his galit sa kanyang father.
A true friend through thick and thin, Sofia expressed her concern for Diego, saying, “Ang sabi ko, andito ako for him. Andito ako to listen. Andito ako para intindihin kung ano ‘yung kinikimkim niya, kung ano yung galit niya sa dad niya. I’m always here to pray na sana maayos lahat.”

Read more...