Maja halos magmakaawa sa madlang pipol 

maja salvador
HALOS magmakaawa na si Maja Salvador sa kanyang fans at social media followers para panoorin ang pelikula nila ni Paulo Avelino na “I’m Drunk I Love You”.
Dismayado ang dalawang Kapamilya stars dahil sa pag-pull out diumano ng kanilang pelikula sa maraming sinehan kahit marami pa raw gustong manood nito. Nasa ikalawang linggo pa lang ito ngunit pinalitan na raw agad ng mga Hollywood movies.
“Kung si popoy at basha may second chance. Bakit di niyo kami kayang bigyan ng second week sa sinehan? #SaveIDILY.
“Pangit ba pelikula namin? Kapalit palit ba kami ng foreign films? Hindi naman diba? Then whyyyy?!?!?!!? PH cinema! Mahalin niyo naman yung pelikula naming #ImDrunkILoveYou!
“Hindi na nga ako kayang mahalin ni Dio pati ba naman kayo! #SaveIDILY. #ImDrunkILoveYou on its Second Laban Week!!! #SaveIDILY!” ang mahabang post ni Maja sa kanyang Instagram account.
Ayon  kay Paulo, hindi nakakatuwa na ma-pullout agad ang kanilang pelikula lalo na sa mga sinehan na inakala niyang tagasuporta ng mga indie movie. Itinag pa niya sa kanyang mga tweets si Film Development Council of the Philippines head Liza Dino.
“Mas malala pa pala yung nangyari sa mga pelikula at mga tao sa likod nito na nagbigay parangal sa BANSA natin. Anong nangyari? @lizadino,” sabi pa ni Paulo.

 

Read more...