Japan wala pang kinukuhang Pinoy caregivers

PINAG-IINGAT ang publiko, partikular ang mga caregiver, na nagbabalak na magtrabaho sa Japan.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, ang 2016 Technical Training Act of Japan na nagbibigay oportunidad sa mga caregiver na mamasukan sa ilalim ng technical intern training program ay hindi pa umano lubos na ipinatutupad.

Sa isang advisory ng ahensya sa mga recruitment agency sa bansa, ang pagkuha sa overseas Filipino workers para sa Japan ay isang paglabag sa panuntunan at regulasyon ng kasunduan.

Binibigyan ng abiso ang lahat ng lisensyadong recruitment agency sa bansa na huwag munang tumanggap ng mga caregiver, maging ang manpower pooling para sa Japan, dahil hindi pa tuluyang naipapatupad ang kasun-duan ng Pilipinas at Japan.

Upang maisakatuparan ang kasunduan, ang programa ay nangangailangan ng pagpirma ng memorandum of cooperation sa pagitan ng justice, health, labor, at foreign authority sa Japan at sa ibang bansa na nais magpadala ng mga technical intern.

Pinaiiwas din ang publiko kaugnay sa pag-aplay sa mga hindi lisensyadong recruitment agency at maging ang pakikipagtransaksyon sa mga taong hindi naman otorisado ng mga lisensyadong agency.

Ang anumang ilegal na aktibidad ng recruitment sa mga hotline number nito na 722-11-44 / 722-11-55.

USEC Dominador
R. Say, OIC
administrator
POEA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...