MEDYO na-bother ang ilang fans ni Alden Richards dahil kagagaling lang nito sa ospital where he was confined for a few days ay nagbalik na ito kaagad sa trabaho.
Umapir na si Alden sa noontime show ng GMA 7 at ang daming natuwa upon seeing him. Pero meron din naming tila nabahala dahil kagagaling lang niya sa sakit.
Halatang hindi pa masyadong okay si Alden pero dahil sa pagmamahal niya sa trabaho ay back to the grind kaagad siya. Isang avid fan ni Alden who is aware of the many issues hurled against the actor ang nag-rant sa Twitter.
“Kahit di kami FC (fan club) nandito pa rin kami para sayo. Kahit karamihan sa amin di ka pa nakikita. ok lang sapat na makita kang masaya. Solid A.”
“Wala kaming hinihinging kapalit sa mga pagtatanggol namin sayo. Makita ka naming healthy at masaya sapat na para sa amin. #UNITEDforALDEN.”
“Ang pagmamahal ay hindi masusukat sa anomang aspeto kung ang pagmamahal ay totoo at dalisay. #UNITEDforALDEN.”
“Ang pagmamahal ng Solid A sayo ay di masusukat nino man at kahit na anong bagay. Kahit ano mabasa at marinig namin mahal ka pa rin namin.”
“Di naman kasi kailangan ng may kapalit pag nagmamahal ka. Yung sapat na sayo na makita siyang masaya. Sapat na yun. #UNITEDforALDEN.”
“Sa mga bumitaw at judgmental please lang wag na kayo bumalik. Uso ang PS ngayon. Meron din ako. PS. Wala kaming pake sa inyo!”
‘Yan ang say ni cutenessAvie sa Twitter.