Alden hinay-hinay lang sa trabaho para ‘di mabinat; bawal mapagod ng bongga
TEAM Broadway muna si Alden Richards sa Eat Bulaga kahapon. Yes, umapir na ang Pambansang Bae sa noontime show ng GMA 7 after ma-confine sa ospital during the weekend.
‘Yun nga lang, hindi na muna sumama si Alden sa Sugod Bahay dahil sa Biñan ang location nito kahapon. Hindi niya tuloy nakita ang Sekretaryang Marupok (Maine Mendoza) sa barangay, huh!
Masaya naman ang aura ni Alden. Bawas salita lang siya dahil baka mabinat siya at lalong lumala ang timpla ng kanyang katawan.
At least, panatag na ang Aldenatics at ang AlDub Nation na patuloy na sumusuporta sa kanila ni Meng na makita siyang muli sa Eat Bulaga.
Huling hirit na ng promotions nina Alden at Maine para sa launching series nilang Destined To Be Yours na magpi-premiere na sa Feb. 27 sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.