‘Sige lang, talak pa more Mocha Uson!”

mocha uson

NAGTATAKA kami kung bakit tinawag na “basura” ng MTRCB board member at blogger na si Mocha Uson ang bagong Kapamilya serye na The Better Half.

Una sa lahat ay aprubado ang lahat ng eksena nito ng MTRCB, dahil iba ang lente nila sa pag-usisa sa serye. Nakita nila ang ganda ng buong palabas at kung may maseselang eksena man, sinigurado ng ABS-CBN na may tatak itong SPG.

Sa katunayan, kakaumpisa pa lang ng The Better Half pero marami na agad ang pumupuri sa ganda at galing ng mga aktor sa serye tulad nina Shaina Magdayao, JC De Vera, Carlo Aquino at Denise Laurel kaya naman walang tapon sa lahat ng eksena ng palabas.

Marami ang nakaka-relate sa buhay ni Camille (Shaina) na nawalan ng minamahal dahil sa trahedya. Pero bumangon at nilimot niya ang nakaraan para ituloy ang kanyang buhay. Pinapakita rin naman nito na hindi dapat tayo maging tulad ni Bianca (Denise) na hayok sa pag-ibig dahil nakakasira ito ng bait.

Hindi ito basta-basta inaprubahan lang ng MTRCB. Nakita ng mga miyembrong nagrebyu ang aral na ibinabahagi ng The Better Half sa mga manonood.

Ipinapakita ng serye ang suliranin ng mga taong nagmamahal, hindi lang para sa asawa kung hindi pati na rin sa pamilya at kaibigan.

Sabi nga ng katoto nating si Ogie Diaz sa kanyang Facebook post, dapat ay nakipag-meeting muna si Mocha Uson sa MTRCB bago siya nagsumbong sa publiko. At sa ganitong paraan natin makukuha ang solusyon na hinahanap natin, hindi sa pagsumbong sa taumbayan.

q q q

Speaking Mocha Uson, habang tinatapos namin ang artikulong ito ay hindi pa sila nagkakausap ni MTRCB Chairwoman Rachel Arenas. Hindi sila nagkita nitong Lunes dahil maraming dinaluhang meeting ang huli.

Hindi rin namin sigurado kung natuloy na ang pagbabanta niyang pagre-resign bilang bagong board member ng MTRCB. Nagpadala na kaya siya ng formal resignation letter kay Presidente Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga sa kanya sa nasabing posisyon?

Base sa panayam kay Ms. Arenas sa isang radio program, kung magre-resign si Mocha dapat daw siyang magpadala ng pormal na liham sa Pangulo dahil ito nga ang nag-appoint sa kanya. Pero sabi nga ng MTRCB chair, “Sa akin na lang, sana hindi na lang umabot sa ganu’n.”

Matatandaang tinawag ni Mocha na basura ang seryeng The Better Half at ang legal documentary-drama na Ipaglaban Mo (Abuso episode) kaya mas mabuting tanggalin na lang daw ang mga ito.

Nakakatawa lang dahil ang hindi alam ni Mocha ay nakakadagdag lang sa publicity ng mga nasabing programa ang pag-iingay niya. Kaya sabi pa nga ng ilang netizens, “Talak pa more, Ms. Mocha Uson!”

Read more...