Liza Soberano: Mahal na mahal ko po ang LGBT!

liza soberano

PATULOY pa ring pinipilahan ngayon sa mga sinehan ang pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na “My Ex and Whys” under Star Cinema directed by Cathy Garcia-Molina.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Liza sa lahat ng mga nanood ng kanilang pelikula.

Gusto sana munang magbakasyon ng dalaga pero mukhang agad silang sasabak ni Enrique sa bagong trabaho dahil pinaplano na ang kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN.

“I wish but I’m lucky because mayroon po akong work agad, I’m gonna be working on a new soap, ‘yung soap na sinasabi ko pong kasama ako sa pilot week lang. And then, mayroon na din po kaming pitching for an upcoming soap. So, malapit na kaming magkaroon ng idea of what our new soap is going to be,” pahayag ni Liza sa isang panayam.

Nang muling matanong tungkol sa posibleng pagsali niya sa mga beauty pageant, ito ang naging tugon ng dalaga, “Yung daddy ko. I think it’s a father’s dream especially my father na ‘yung Soberano na last name maging known worldwide.

“But right now, I just really want to focus on my acting, my studies. I don’t think I would have time to commit to actually joining and to prepare and train for it,” aniya.

Natutuwa rin si Liza sa pagsuporta sa kanya ng LGBT community, marami kasi ang nagsasabi na siya na ang bagong dyosa ng mga bading.

“Nakakatuwa. I love the LGBT community and I’m really happy that I’m able to reach out to them as well kasi a lot of my friends are also, you know, bekis. ‘Yung glam team ko, ‘di ba lahat sila, so I really adore the LGBT community,” chika ni Liza.

Read more...