Sarah G, Matteo pinatunayang love na love pa rin ang isa’t isa

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

PINATUNAYAN nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na going strong pa rin ang kanilang relasyon sa gitna ng mga tsismis na naghiwalay na sila dahil sa pressure sa kanilang pagsasama.

Kumalat sa social media kahapon ang mga litrato ng magdyowa na kuha sa isang restaurant kung saan sila nag-bonding kasama ang mommy ni Matteo na si Mrs. Glenna Fernan at iba pang malalapit na kaibigan.
Bukod sa mga litrato nina Matteo at Sarah, nakita rin namin ang isang photo sa fanpage ni Sarah kung saan magkasama sila ng nanay ni Matteo na may caption na: “Sobrang close nila ni Mommy Glenn @JustSarahG @mateoguidicelli!”
Siguro naman ay titigil na ang mga detractors nina Sarah at Matteo sa pagpapakalat ng mga intriga about their relationship. Siguro nama’y sapat na ang mga nakita n’yong sweet photos ng dalawa para mahinto na ang chikang hiwalay na sila.
Nauna nang itinanggi ni Matteo na nag-cool off sila ng Pop Princess dahil daw sa pressure ng mga magulang ni Sarah.

 

Read more...