Davao cop sinabing iniutos ni Duterte ang mga pagpatay, DDS totoo

lascanas

BINAWI ng isang pulis mula sa Davao City ang kanyang naunang testimonya sa Senado kaugnay ng isyu hinggil sa Davao Death Squad (DDS), kung saan tahasan nitong itinuro si Pangulong Duterte na siyang nagpapatay sa mga kiriminal sa Davao City nang siya ay mayor pa.
Sa isang press conference sa Senador, iprinisinta ng Free Legal Assistance Group (FLAG) si SPO3 Arthur Lascañas, na nagsabi na personal silang inatasan ni Duterte na patayin ang mga kriminal. Kinumpirma rin niya ang pagkakaroon ng DDS.
“Sa una pong pag-upo ni Mayor ni Mayor Duterte bilang mayor ng Davao City ay nag-umpisa na po kami ng tinatawag na salvaging ng mga tao. Ito po ay mga suspek na gumagawa ng krimen sa Davao, about illegal drugs,” sabi ni Lascañas.

“Inimplementa po namin ang personal na utos ni Duterte sa amin,” dagdag ni Lascañas.
Idinagdag niya na binabayaran ni Duterte ang mga miyembro ng DDS mula P20,000 hanggang P 100,000, depende kung sino ang ipinapapatay.
“Sa lahat po ng ginagawa naming pagpatay sa Davao City, libing man o itapon namin sa laot, ito po ay binabayaran kami ni Mayor Rodrigo Duterte, kadalasan P20,000, minsan P50,000 at depende po sa status ng target. Minsan P100,000,” ayon pa kay Lascañas.
“Ako po ay tumanggap ng allowance galing sa office of the mayor sa matagal ng panahon. Tumanggap ako ng P100,000,” sabi pa ni Lascañas.
Taliwas ang pahayag ni Lascañas sa nauna niyang pagharap niya sa Senate committee on justice at Senate committee on public na siyang nag-imbestiga sa umano’y extrajudicial killing sa bansa,
“All lies,” sabi pa niya sa pagdinig ng Senado nang tanugin kung bahagi siya ng DDS.

Read more...