De Lima: Political prisoner o Bilibid drug queen?

NGAYONG Lunes, ira-raffle ang kasong illegal drugs laban kay Sen. Leila de Lima sa Muntinlupa RTC. I-naasahan ding magla-labas agad-agad ng warrant upang siya ay arestuhin. Pwede ring tagalan ng judge bago siya magdesisyon.
Sabi ng LP at ni Vice President Leni Robredo, ito’y paghihiganting politikal lamang. Ayon naman kina LP Sen. Risa Hontiveros at Bam Aquino, ito ay harassment at pambabastos sa hustisya.
Ayon naman kay de Lima, inosente siya at hindi kailanman nasangkot sa illegal drugs. Handa rin niyang labanan ang Duterte administration sa abot ng kanyang makakaya.
Sa gobyerno, malakas daw ang ebidensya na sangkot sina de Lima, dating Bureau of Corrections director Franklin Bucayu, National Bureau of Investigation deputy director Rafael Ragos, driver na si Ronnie Dayan, dating aide Joenel Sanchez, inmate Jaybee Sebastian at pamangking si Jose Adrian Dera sa illegal drugs sa Bilibid.
Ang iba pang kasong kriminal laban kay de Lima tulad ng anti-graft, bribery at indirect bribery ay inendorso ng DOJ sa Ombudsman para litisin. Hindi rin isinama sa kaso si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan dahil daw sa kakulangan ng ebidensya.
Kung susuriin, walang pupuntahan si de Lima kundi kulungan sa mga susunod na araw. Kung sa Bicutan jail siya ilalagay, makakasama niya si da-ting chief of staff ni da-ting Senador Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes; kung sa Women’s correctional, makakasama niya si Janet Lim Napoles. Kung sa Camp Crame detention facility, kasama niya sina dating Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Mga taong pinakulong niya noong siya’y DOJ secretary.
Mahirap husgahan si de Lima kahit napanood na nating lahat ang mga detalye nito sa mga televised Senate investigations. Ang problema lamang, hindi niya sinagot ang mga alegas-yon. Ngayong naisampa na ang kaso laban sa kanya at “imbentong alegasyon” ang pag-uusapan, hindi maiiwasang ikumpara ang DOJ niya noon at DOJ ngayon.
Halimbawa, taas-kilay ang marami kung bakit sunud-sunod na pinawalang sala sina da-ting Pangulong Gloria Arroyo at halos lahat ng mga taga-PCSO. Bakit nadismis ang kaso ni da-ting Comelec chairman Ben Abalos Sr. na electoral sabotage? Bakit nakalusot din si NEDA Sec. Romulo Neri sa NBN ZTE deal? Bakit nadismis ang mga kaso ni fertilizer scam mastermind Jocjoc Bolante? Ngayon naman pati kasong serious illegal detention ni Janet Napoles, madidismis na rin? Mahihina ba ang mga kasong isinampa noon ni de Lima o imbento rin ang mga alegasyon?
Sa simpleng mamamayan, isang matinding “judicial battle” ang mapapanood natin. Ang gusto ng kampo ni de Lima, dalhin ang kaso sa kakamping si Ombudsman Conchita Morales. Pero ang DOJ, pinaghati ang kaso, illegal drugs sa RTC at “bribery-anti-graft” sa Ombudsman.
Nanahimik si de Lima sa lahat ng mga public hearings, ngayon ang “korte” na ang tamang lugar para ipagtanggol niya ang sarili. At siyempre, tulad nang inaasahan, nais malaman ng taumbayan kung ano ang kanyang mga bersyon sa mga bintang ng mga drug lords, lovers at mga kagalit na sinibak niya sa NBI.
Mahaba-habang labanan talaga ito, pero ang masakit, matagal na hihimas ng bakal si Madam hanggang tuluyang mapawalang-sala. Kung ang Aquino administration ay sinibak ang “sitting” Chief Justice, ang Duterte administration naman ay pinakulong ang dating Justice Secretary at incumbent Senator.

Read more...