KAHIT si Vice Ganda ay patuloy pa ring pinag-uusapan dahil recently nga ay in the news din ang matatawag nating “great love” niyang basketbolistang si Terence Romeo.
Matapos ang matagumpay na concert kung saan nag-viral ang “tula-emote” ni Vice hinggil sa kanyang nabigong pag-ibig, bigla namang nabalita ang engagement ng sikat na cager.
Siyempre pinagpiyestahan si Vice na nag-renew recently ng kontrata sa ABS-CBN, pero tama lang ang ginawa niyang huwag nang magsalita o magbigay ng kahit ano pang komento.
Unang-una, never namang umamin ang dalawa sa kung anumang ugnayan nagkaroon sila at lahat ay base lamang sa assumption though yun ang pininiwalaan ng mga tao.
Kawawa din si Terence kung tutuusin dahil kakambal ng pagsikat niya ay ang ganitong mga kuwento na matagal-tagal (kung walang forever, huh!) ding ikakabit sa pangalan niya.
Hay, again, nakaka-relate kami sa mga ganyang usapan dahil some three decades ago ay may mga ganyang kuwento rin kaming na-witness kundi man kami rin mismo ang involved. Ha-hahahaha!
Hay buhay talaga, paulit-ulit lang.
READ NEXT
Our weapon against the devil
MOST READ
LATEST STORIES