IN FAIRNESS, gumagawa na rin ng sarili nilang tatak ang mga miyembro ng Eat Bulaga Baes na may kanya-kanya na ring tagasuporta hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Bukod sa Eat Bulaga, patuloy ding nangunguna sa ratings game ang kanilang teen-oriented daytime show na TROPS sa GMA. Pumapalo rin sila sa social media – collectively, mahigit isang milyon na ang kanilang followers sa Instagram.
Dati, kilala lamang ang mga EB Baes na sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, Jon Timmons at Kim Last bilang mga back-up dancers sa Eat Bulaga. Ngayon, kilala na sila bilang sikat sa boy group at bilang mga indibidwal na performers.
Pero hindi lamang pagiging sikat ang gustong marating ng mga Baes – type rin nilang maging bagong role models ng kabataan.
“We owe it to those who supported us from the start to be the best that we can be,” ani Kim. “Ever since I could speak, I’ve known I wanted to be an actor. Masaya na ako. I achieved the point wherein I’m happy. Masaya ako dito.”
Dagdag niya, “I am living my dream, so I feel—the whole group feels—that we have to give back to the fans.”
Isang inspirasyon naman sa mga kabataan ang kwento ng pagpasok sa showbiz nina Kenneth at Miggy. Si Kenneth ang grand winner ng That’s My Bae contest ng Eat Bulaga noong 2015. At tulad ni Kim, pangarap din niyang maging artista noong bata siya.
Pero dahil sa Cebu siya nakatira, hindi naging madali ang pagpasok sa showbiz para sa kanya. Sugal ang pagpunta sa Maynila para sa kanya upang matupad ang kanyang pangarap — at para matulungan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina.
“Lahat naman ito, ginagawa namin para sa pamilya namin,” sabi ni Kenneth. “Minsan mahirap. Minsan wala na kaming tulog dahil sa trabaho. Pero pamilya namin ang motivation namin.”
Tulad ni Kenneth, simpleng teenager lang si Miggy na “patambay-tambay lang sa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan ko” bago pumasok ng showbiz. Madalas siyang mag-audition bago makasama sa “That’s My Bae” contest ng Eat Bulaga. Ngunit, hindi niya inakala na makakapasok siya ng showbiz.
“Meron time na gusto ko na mag-quit,” kwento ni Miggy. “Ang hinihiling lang namin dati, magkaroon ng show na mag-extra kaming anim na magkakasama. Naisip ko, balik na lang ako sa bahay namin. Mag-stay na lang ako sa dati kong buhay, mag-quit na lang kami.”
Pero pinigilan siya ni Bae Tommy, na isang full-time call center agent bago pumasok ng showbiz. Sabi ni Tommy, lahat ng ginagawa nila ay hindi lang para sa sarili nila, “Yung mga tagumpay namin, yung mga achievements namin, para yun sa lahat ng naniwala sa amin, para sa pamilya namin.”
Malayo na ang narating nila simula noon. “Before, when people would see us it public, they would say, ‘Uy, si Twerk It Like Miley,” kwento ni Kim. “Now they would say, ‘Uy, si Trops’.”
“We’re all living the same dream,” dagdag ni Jon. “It’s not competition. It just so happened that we have the same dreams and aspirations.”
Bilang mga role model ng kabataan, alam ng Baes na kailangan pa nilang magsumikap at magtrabaho nang todo para ma-achieve ang kanilang pangarap. “Di ba may mga group na until now kilala pa rin kahit wala na sila. People would say na magaling yung members ng Sexbomb Dancers or Streetboys. We want to people to say someday na, ‘That’s My Bae yan, magaling yan’,” sabi ni Kenneth.
Dagdag ni Kim: “Sana we get to leave a mark, hindi yung isang bagsak lang, tapos wala na. We’re here for the long haul. We’re here to stay.”