Biyudo, makapag-aasawa pa ba? (2)

Sulat mula kay Abel ng El Rio, Sibagat,  Agusan del Sur
Problema:
1. Magta-tatlong na taon na ng ako ay iwanan ng aking misis kung saan namatay siya sa aksidente sa barko. Kaya sa ngayon nag-iisa na ako sa buhay, pero napagtapos ko na ng pag-aaral ang tatlong anak namin na puro babae, kaya naman dapat lang marahil na ang sarili ko naman ang aking asikasuhin.
2. Gusto kong mag-asawang muli kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, itatanong ko lang kung muli kaya akong makapag-aasawa? At kung makapag-aasawa akong muli, sino kaya ang babaing ito at kailan ko makikilala? September 28, 1966 ang birthday ko.
Umaasa,
Abel ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kaya mo pang makapag-asawa, at kahit na may edad ka na sa kasalukuyan, sa edad mong 50 may asim at tikas pa rin ang iyong pangangatawan. Kung saan, ang susunod mong mapapa-ngasawa ay isinilang sa zodiac sign Virgo.
Numerology:
Ang birth date mo namang 28, ay nagsasabing sa edad mong 50 upang mas madaling makapag-asawang muli, humanap ng mga babaing isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29, tiyak ang magaganap, kapag natagpuan mo sila, hindi ka lang basta-basta makapag-asawa, sa halip, sa aspetong pag-ibig at pang-seksuwal, muli kang liligaya at masasarapan.
Luscher Color Test:
Ang mahalaga, lagi kang magsuot ng kulay na pula at dilaw, upang mas madali mong mahigop ang magandang kapalaran na may kaugnayan sa pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Abel ayon sa iyong kapalaran, sa taong kasuluyan 2017 sa buwan ng Mayo o kaya’y Oktubre, sigurado na ang magaganap, matatagpuan mo na ang isang babaing magpapaligaya sa iyo na siya na ring itatala bilang ikalawang asawa, mo na bukod sa nagtataglay ng zodiac sign na Virgo, ang babaing ito ay may initial na M.V. kung saan, pagdating ng babaing nabanggit, muling magiging makulay at makukumpleto ang dating kulang at malungkot na buhay mo at sa sandaling kayo nagpakasal na at tuluyang nagsama, tulad ng nasabi na, magiging suwerte siya sa iyo kaya lalo pang uunlad at magiging maligaya ang inyong pagsasama habang buhay.

Read more...