Tambalang Julia-Joshua wagi uli sa MMK

joshua garcia at julia barretto

Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment

PAGKATAPOS ng matagumpay na team-up nila sa pelikulang “Vince & Kath & James,” muli ngang nagpakitang-gilas sa akting sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kauna-unahan nilang pagtatambal sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Napaka-obvious na super nag-enjoy at kinikilig si Joshua sa mga moment nila ni Julia sa kanilang mga eksena sa nasabing MMK episode.

Ginampanan nila ang dalawang karakter na maagang namulat sa kahulugan ng wagas na pagmamahalan.

Nakilala ni John (Joshua) si Aika (Julia) sa mga panahong naghihilom ang puso nito sa kanyang huling relasyon. Sinuyo ni John si Aika, ngunit nag-alangan ang dalaga dahil takot na siyang masaktan uli.

Nagpatuloy sa panliligaw si John hanggang sa mahulog na rin sa kanya si Aika ngunit na-diagnose nga ito ng sakit na leukemia. Pinatunayan nina Joshua at Julia na may ibubuga rin ang kanilang loveteam sa larangan ng akting.

Nakasama rin sa nasabing MMK episode sina Allen Dizon, Nikki Gonzales, Devon Seron, Pamu Pamurada, Anjo Damiles, Kyra Custodia, Mikee Agustin, Lilet Esteban at Raine Salamante na idinirek ni Dado Lumibao.

Read more...