JUDAY nauubos din ang pasensiya: may moments na nagtataray din ako!

Kapag paulit-ulit na ang pagkakamali sa taping

WALA talagang kaplastikan sa katawan si Judy Ann Santos. Kung ano ang feel niyang sabihin ay sasabihin niya, hangga’t wala siyang sinasagasaan at nasasaktan.

Sa solo presscon ng tinaguriang nag-iisang Queen of Pinoy Teleserye para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala, inamin niya na nauubusan din siya ng pasensiya at nagagalit din kapag punumpuno na siya.

“May mga moments na nakakapagtaray ako paminsan sa set pero that’s out of pagod, out of frustration at saka kapag punong-puno na ako dahil paulit-ulit ‘yung nangyayari. Pero kung patience ang pag-uusapan, ang patience ko day pwede mo papuntahin hanggang America pabalik.

Ganon kahaba ang pasensya ko,” pahayag ng leading lady ni Sam Milby sa Huwag Ka Lang Mawawala na magsisimula na sa June 17 sa Primetime Bida ng ABS.

Dagdag pa ng aktres, hindi raw siya basta napipikon sa mga bagay-bagay, sobrang haba raw ng kanyang pasensiya.

Naniniwala rin siya na mas magandang unawain ang mga nagkakamaling kasamahan sa trabaho but at the same time, kailangang ipaunawa rin sa kanila ang kanilang pagkukulang.

“Hindi ako maapektong tao. Hindi ako apektado sa mga nangyayari sa akin.

Palagi ko naiisip na kapag may nangyaring insidente, may dahilan ‘yan, may isang taong pinagmulan ‘yan, so hindi ko na babalikan ‘yan.

“Hindi na ako magpapaka-stress kung hindi rin lang naman ako involved sa issue na ‘yan.

Hanapan natin ng paraan. Solusyon agad, ‘wag na tayo maglaro sa isyu kasi walang mangyayari, hindi naman tayo kikita diyan,” sey pa ni Juday.

Hanggang ngayon naman ay parang nahihiya pa si Juday sa ibinigay na titulo sa kanyang nag-iisang Teleserye Queen, pero, “Hindi ko tatanggalin ‘yung pakiramdam na napa-flatter ako.

Pero paminsan-minsan iisipin mo, ‘Deserve ko ba talaga ito? Hindi ba parang OA ba ito?

“Hindi mo maiwasan makapag-isip ng ganu’n kasi may mga taong magbibigay ng negative na comment tungkol sa pagiging Teleserye Queen mo.

Hindi naman ako ang nagbigay nito sa sarili ko, pero I’m flattered.

Thankful ako na for the longest time nandiyan pa rin ang ABS to protect me and give me very good projects.

Ang magiging balik ko talaga ay mabigyan sila ng magandang trabaho,” mahabang pahayag ni Juday.

Dagdag pa ng aktres, sa narating niyang estado ngayon, malaki ang tinatanaw niya sa mga naging experience niya noon sa Mara Clara, “Lahat ng ‘yan nagsimula sa Mara Clara.

Siguro ‘yun ang pinakahuling teleserye na umabot ng limang taon.

‘Yun ang pinakatumatak sa mga tao kasi nainis na sila sa diary. So kasama kami sa inis nila.

“From there, dahil siguro lumaki ako sa harap ng tao for five years, after that tuluy-tuloy ang teleserye ibinigay ng ABS-CBN kaya nabansagan akong teleserye actress.

Dun talaga ako nagsimula. Dito ako nahasa at minahal ng tao.

Parte na ng sistema ko ang pagiging artista and it will always be a part of me,” chika pa ng misis ni Ryan Agoncillo.

Read more...