Mga walang pusong pulis

DAPAT hindi na pinatulan ni Pangulong Digong ang paratang ni Sen. Antonio Trillanes na may deposito siyang P2.2 bilyon sa mga bangko.

Galit si Trillanes sa mundo at naghahanap ng damay.

Inilabas na ni Trillanes ang ganoong paratang noong kam-
panya ng eleksiyon last year at nasagot na rin ni Mano Digong ang nasabing paratang.

Kung talagang gusto ni Digong na sumagot kay Trillanes dapat ay inatasan niya ang kanyang presidential legal counsel na si Sal Panelo dahil magkapareho sila ng mentalidad ng senador.

Paanong maparata-ngan ng senador ang pangulo na nagkamal ng bilyon-bilyong piso noong siya’y mayor pa ng Davao City samantalang nakatira ito sa isang maliit na bahay sa isang middle-class subdivision?

Ang daan papunta sa bahay ni Digong ay butas-butas na espaltado sa isang bahagi at bato-bato sa ibang bahagi.

Kung nagnakaw si Digong noong siya’y mayor dapat sana ay nakatira siya sa isang marangyang lugar.

Ang dahilan kung bakit paulit-ulit na ibinoboto ng mga mamamayan ng Davao City ang mga Duterte—si Digong bilang mayor, si Inday Sara bilang mayor at Paolo bilang vice mayor—ay dahil walang dungis ang kanilang pangalan pagdating sa graft and corruption.

Tanungin mo ang mga tao sa Davao City kung nambili ng boto ang mga Duterte, at sasabihin nila sa iyo na hindi dahil wala silang perang pambili.

Si Wally Sombero, ang principal figure sa P50 million bribery na kinasasangkutan ng dalawang immigration officials, ay pinagalitan ni Sen. Dick Gordon dahil sa kanyang diumano’y pagiging
“pilosopo.”

Madaldal kasi si Wally at hindi sinasagot nang direkta ang mga tanong sa kanya.

Pinayuhan ko na si Wally bago mag-hearing na gawing maikli ang kanyang mga sagot.

Ganoon din ang payo sa kanya ng mag-amang Ted at Kat Contacto, na kanyang mga abogado.

Pero masyadong sabik si Sombero na isiwalat ang lahat sa isang upuan kaya’t hindi nakinig sa payo namin.

Sa nasabing Senate hearing noong Huwebes, tinanong ni Sen. Manny Pacquiao kung bumili ang dating deputy immigration commissioner na si Al Argosino ng relong nagkakahalaga ng P2
milyon matapos siyang makatiba nang malaking halaga.

Ang relong tinutukoy ni Pacquiao ay Patek Philippe, na nasa taas ng listahan ng mga pinakamahal na relo sa buong mundo.

Hindi sinagot ni Argosino ang tanong at hindi rin pinalo-ap ni Pacquiao ang kanyang tanong.

Walang puso ang tatlong pulis na ito— PO3 Odie Aurelio, PO1 Zeus Deliguin at PO1 Mateo Sarmiento.

Sila’y pawang mga miyembro ng Muntinlupa police station.

Ang tatlong pulis ay nagresponde sa tawag na may nakabulagta na walang malay sa gitna ng daan sa barangay Alabang (hindi sa Ayala Alabang, na tirahan ng mga mayayaman).

Sa imbestigasyon ng tatlong pulis, napag-alaman nila na si Avelino Sto. Domingo, 38, isang engineer, ay isang hit- and-run victim.

Sa halip na dalhin ng tatlong pulis sa pinakamalapit na ospital ay itinambak lang nila ang wala pang malay na si Domingo sa barangay hall ng Alabang.
Ang mga barangay tanod ang nagdala kay Sto. Domingo sa ospital.

Kung naitakbo agad sana si Domingo ay
nabigyan siya ng madaliang gamot o first aid at baka nagising siya, ayon sa kanyang misis na si Myla.

Si Sto. Domingo ay comatose pa rin ilang araw matapos siyang tanggapin.

Yan ang hirap sa policy na pawang mga college graduates lang ang tinatanggap sa Philippine National Police (PNP).

Mga arogante ang mga pulis dahil sila ay nakatapos ng kolehiyo.

Mas lalo na yung mga bobo at hindi matanggap-tanggap sa mga pribadong opisina dahil mahihina ang kanilang mga utak.

Nakakita ka na ba ng pulis na nagpapatrolya sa kalye?

Wala, dahil ayaw nilang maarawan at sila’y mga edukado. Ang mga barangay tanod lang daw ang nagroronda.

Ang kanilang katwiran: Hindi sila nagtapos ng kolehiyo upang maging alila.

Read more...