GUSTO naming bigyan ng espasyo ang hinaing ng Team IDILY (I’m Drunk I Love You) dahil sa iilang sinehan lang daw ipinalabas ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Maja Salvador produced by TBA.
Narito ang kabuuan ng official statement ng produksyon: “‘I’m Drunk, I Love You’ opens in cinemas today. For the past 8 weeks, TBA has done everything it could possibly do to make sure this beautiful film stand a chance.
“Nilibot namin mula Cabanatuan hanggang Davao para mabigyan ng pagkakataon ang moviegoers outside Manila na makita at makikilala ang pelikula at mga artistang bumubuo nito.
“Walang indie film na nagpapa-mall show. Eh yung walong shows pa kaya. Walo. Pero ginawa namin yun dahil binabaha na kami ng requests ng iba’t ibang malls sa buong Pilipinas para dalin ang palabas na ito.
Umabot na sa punto that we had to regretfully decline some of these offers dahil hindi na talaga kaya ng schedule, budget at manpower ng munti naming studio. Sa mga malls na hindi namin napuntahan, pasensya na po.
“At dahil nga alam naming maraming may gustong manood ng ‘I’m Drunk, I Love You,’ we brought this film to as many schools as we can. Sila naman kasi talaga ang alam naming sobrang makaka-relate sa pelikula dahil sila ang mga tunay na Carson, Dio, Jason Ty at Pathy.
“Madalas na trending topic sa Twitter ang mga related topics ng #ImDrunkILoveYou. The trailer alone reached a million views in less than 24hours and was extensively and immediately covered by different media outlets. May TVC spot din kami, Sa Miss Universe pa. Ano na?!
“May Paulo Avelino na, may Maja Salvador pa. Sa fans pa lang nila, alam naming may manonood na.
“Isama pa natin ang libo-libong mga taong nag-repost, nag-share, nag-comment at sinabi nilang ‘Shet, kwento ng buhay ko ‘to. Manonood ako.’ Pero sa kabila nang lahat ng hirap at pagod ng lahat para sa pelikulang ito, gumising na lang kami na halos walang sinehan na maibigay sa pelikulang ito.
Bakit?
“Bakit may nabibigyan ng 4 or more screens samantalang maski isa, walang maibigay para sa ‘I’m Drunk, I Love You’? It’s 4 versus 1 or mas nakakalungkot, 4 versus 0. Ano na? Bakit may mga sinehan na merong more than 6 theaters pero hindi nila magawang magbigay ng isa para sa ‘I’m Drunk, I Love You’?
“We have done our very best, but I guess our best wasn’t good enough. Bakit?
“Ganun pa man, hindi kami mawawalan ng pag-asa. If there’s one thing our film ‘Heneral Luna’ taught us, dapat lumaban lang ng lumaban. Kahit pagod ka na, laban lang.
“At isang malaking thank you sa lahat ng sumusuporta at lumalaban para sa ‘I’m Drunk, I Love You’. Yung mga nagta-tag sa amin sa Twitter, Facebook at Instagram at nagse-send ng mga private message, maraming maraming salamat po! Sa mga nakapanood na, salamat po! At sa mga manonood pa lang, maraming salamat. We hope you enjoy ‘I’m Drunk, I Love You’ as much as we did making it.
“At para sa industriyang mahal na mahal namin, isa lang ang aming hiling: sana dumating ang araw na hindi na kailangang manlimos ng pelikulang Pilipino ng puwang sa sinehan.
“Sa pag-ibig nga pinapaasa na kami, pati ba naman sa sinehan ganito pa rin?
“Sumasaiyo, Armi and Daphne (Carsons ng Team IDILY).”
Bakit nga ba 60 theaters lang ang ibinigay sa “I’m Drunk, I Love You”? Anyare?