Bugoy Cariño bagong member ng Hashtag

bugoy carino

MAS pinalaki at mas kakikiligan ang Hashtags sa It’s Showtime matapos ipakilala ang pinakabagong kilig ambassadors ng programa na dadagdag sa grupo noong Valentine’s Day.

Sa unang pagkakataon, nagpakitang-gilas sa pagsasayaw ang heartthrobs sa pangunguna ng dating child star na si Bugoy Cariño. Aniya, “Hindi na bago sa akin ang pagsasayaw at showbiz. Pero itong maging kilig ambassador, ibang Bugoy ang makikita niyo.”

Ipinakilala rin ang dating Pinoy Boyband Superstar contestant na si Wilbert Ross, model Maru Delgado, pati na sina CK Kieron, Kid Yambao, Rayt Carreon, Vitto Marquez at Franco Hernandez.

Sasamahan nila sa pagpapakilig ng madlang people ang Hashtag members na sina Zeus Collins, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal, Jameson Blake, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Luke Conde at Ronnie Alonte.

Read more...