DOJ naghain ng panibagong mga kaso vs de Lima

leila de lima

NAGSAMPA ang Department of Justice (DOJ) ng tatlong panibagong kaso laban kay Sen. Leila de Lima na may kaugnayan sa droga.
Isinampa ang mga kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Kabilang sa mga inihaing kaso laban kay de Lima ay paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Dangerous Drugs Act.
Bukod kay de Lima, kinasuhan din si dating Bureau of Corrections (BuCor) Franklin Bucayu.
Sa isang pahayag, nangako naman si de Lima na lalabanan ang mga kaso laban sa kanya.
“…travesty of truth and justice. Plain and simple political persecution,” sabi ni de Lima.

Read more...