GUSTO talaga naming magtuloy-tuloy ang pagka-provoke ni Erich Gonzales para maidetalye na niya ang lahat ng dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Daniel Matsunaga.
Sa nangyaring break-up, si Erich ang lumabas na maldita at mapang-api lalo pa’t never namang nagsalita ng masama si Daniel against her. Plus the fact na binura niya ang lahat ng pictures nila ni Daniel sa kanyang social media accounts.
Ang nakakaloka lang sa mga celebrities na ito, talagang ginawa na nilang malaking parte ng kanilang buhay ang socila media, na sa halip mag-usap-usap nang personal para ayusin ang problema, talagang isinasali pa nila ang buong mundo sa kanilang mga isyu.
At hindi rin natin masisisi ang pamilya ni Daniel na magalit kay Erich dahil kahit hindi siya diretsong nagsasalita, parang pinalalabas talaga niya na pera ang dahilan ng break-up nila ni Daniel.