NAGKAHARAP muli ang ex-couple na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales matapos ang kontrobersiyal nilang break-up.
Ipinatawag daw ni Star Magic head Johnny Manahan sina Erich at Daniel para mag-usap nang masinsinan tungkol sa kinasasangkutan nilang isyu ngayon.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, umabot nang tatlong oras ang pag-uusap ng dalawa sa loob mismo ng opisina ng Star Magic. Naging maayos naman daw ang paghaharap at pag-uusap ng dating magkarelasyon. Nagkasundo na rin daw ang dalawa tungkol sa ilang isyu ng kanilang break-up.
Dahil sa pagkakasundo ng dalawa, umaasa ang kanilang mga tagasuporta na posible pa silang magkabalikan.
Narito naman ang official statement ng Star Magic tungkol dito.
“Nagharap kahapon sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Star Magic office para pag usapan ang mga issues na may kinalaman sa kanilang hiwalayan.
“Naging maayos ang usapan nilang dalawa. Walang kinalaman ang pera o third party sa kanilang paghihiwalay.
“Pakiusap nina Erich at Daniel na huwag idamay ang kanilang pamilya sa issue. Hiling rin ng dalawa ang pag-unawa at pagkakataong maayos ng pribado ang kanilang relasyon.
“Maraming salamat po.”
MOST READ
LATEST STORIES